Dalagita tumalon sa gusali ng eskwelahan

Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 4th yr. high school na dalagita matapos itong tumalon sa ika-5 palapag ng University of Perpetual Help Rizal kahapon ng umaga sa Brgy. Molino 3, Bacoor, Cavite.

Sa ulat ni Pol/Insp. Alberto Capua, hepe ng Bacoor Police, nakilala ang biktimang si Lovely Lozada Quejada, 16, ng B-8, Lot-8, Kaunlaran II, Molino 4 ng nasabing bayan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Willy Poniente may hawak ng kaso, isang suicide note ang nakuha sa katawan ng biktima. Pinapatunayan sa sulat na may malaking suliranin si Quejada na nagtulak para ito ay magpakamatay. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)

Show comments