Ama dinedo ng anak

GAPAN CITY – Isang negosyanteng ama ang iniulat na nasawi makaraang paluin ng matigas na kahoy ng kanyang sariling anak na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Lorenzo sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Benjamin dela Cruz, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang biktima na si Benjamin G. Dionisio, biyudo. Samantala, ang suspek na dadalhin sa Phil. Hospital for Mental Patient ay nakilalang si Crisalvo, 21, binata at kapwa residente ng E. Rodriguez. St., Brgy. San Lorenzo.

Base sa impormasyong nakalap ng pulisya, hindi maipaliwanag ng mga kapitbahay ng mag-ama ang pinagmulan ng mainitang pagtatalo ng dalawa na nauwi sa krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments