Kinilala ni P/Inspector Andrew Gomez ng Brgy. Dalipuga Police Station ang biktima na mag-inang sina Templo Dalangit, 64 at Salik, 28, kapwa ng Purok 2, Tag-ibo, Dalipuga.
Nakilala naman ang suspek na agad ring nasawi ng magsaksak ng sarili na si Kabib Saripada, 37 residente rin ng nabanggit na address.
Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa nang magsimulang mapraning ang suspek at pag-uundayan ng saksak ang ina at kapatid na kaagad na ikinamatay ng mga ito.
Nang mahimasmasan umano ang suspek at makitang napatay niya ang kaniyang ina at kapatid ay agad din itong nagpatiwakal na agad din nitong ikinamatay. (Ulat ni Lino dela Cruz)