Ito ang naging pahayag ng national chairperson ng Lakas-NUCD-Kampi na pinupuntirya ng administrasyon ni Pangulong Arroyo sina Laguna Governor Teresita "Ningning" Lazaro at Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi.
Ang dalawang nabanggit na lalawigan ay may kabuuang tatlong milyong rehistradong botante at sinuportahan ang kandidatura ng dalawang gobernador laban sa administration party noong nakalipas na presidential at local elections.
Kinumpirma naman ng dalawang gobernador ang napaulat na binibingwit sila ni Pangulong Arroyo na sumapi sa Lakas-NUCD party ngunit masyado pang maaga upang magdesisyon.
Magugunitang lumamang ng 150,000 boto si Laguna Governor Lazaro, standard bearer ng Partido ng Masang Pilipino ni dating pangulong Joseph Estrada laban kay Bert Lina, standard bearer naman ng Lakas-NUCD.
Gayundin si Cavite Governor Ayong Maliksi, standard bearer ng Partido Magdalo na lumamang ng 150,000 boto laban kay Ramon "Bong" Revilla, Jr. noong presidential and local elections.
Upang mapadali ang panghihikayat sa dalawang nabanggit na gobernador ay nangako naman si Pangulong Arroyo na susuportahan niya ang mga major infrastructure projects na isinasagawa sa Laguna at Cavite, ayon sa mga beteranong analyst. (Ulat ni Rene Alviar)