Halos hindi na makilala ang mga biktimang sina Jose Miel, 70, asawa nitong si Patronita, 75 at anak na si Leonides, 57, ng nabanggit na barangay.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-2:30 ng hapon na naging dahilan upang madamay ang may 200 kabahayan kabilang na ang bahay ng mga biktima.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagsimula ang apoy sa bahay na pag-aari ni Crisanta Giholpe.
Inilikas na sa sports complex ng naturang barangay ang 250 pamilya na naapektuhan ng sunog. (Ulat ni Danilo Garcia)