26 MILF rebels sumuko

MARAWI CITY – Umaabot sa dalawampu’t anim na kasapi ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na sumuko sa militar dahil sa naunang sumuko ang kanilang kumander kamakalawa.

Ilan sa mga sumukong MILF rebels ay nakilalang sina Kasim Saber, Macadaya Raher, Conot Macaborod, Camaludin Abolais, Pretty Boy Ali, Corot Titang, Roel Dansalan at Omar Nata na pawang kasapi ng 1st Battalion ng 308th Brigade Striking Force ng Bangsamoro Islamic Armed Forces na nakabase sa Lanao del Sur.

Batay sa ulat mula sa Camp Aguinaldo, payapang nagsisuko ang mga rebelde bandang ala-1 ng hapon sa Army’s 401st Brigade sa Camp Ranao, Marawi City sa ilalim ng pamumuno ni Col. Ernesto Boac.

Dahil sa pagsuko ng kanilang kumander na si Abdullah Dimasangkay at 17 tauhan nito noong Hunyo 26, 2002 ay nagsisunod namang sumuko ang 26 pang iba. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments