Ito ang mariing sinabi kahapon ni P/Sr. Supt, Carlito Dimaano, bagong talagang Rizal PNP provincial director base na rin sa nakalap nilang intelligence report mula sa kanilang assets.
Kabilang sa tinukoy na bayan ni Dimaano ay ang Antipolo City, Binangonan, Pillilia, Rodriguez at Morong na kalimitan ay may nagaganap na malagim na krimen na iniuugnay sa droga.
Ayon kay Dimaano na umaabot na sa bilang na 41 drug pushers at 117 users ang nadakip sa nakalipas na isang buwan.
Nakasamsam naman ang kanyang mga tauhan ng 63.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P127, 402.00.
Dahil sa lumalalang pagkalat ng droga sa mga nabanggit na bayan ay nag-organisa si Dimaano ng seminar sa tulong na rin ng ibat ibang sektor ng lipunan at lokal na opisyales ng Rizal upang mapag-ibayo ang kampanya laban sa droga. (Ulat ni Joy Cantos)