Binalaan noong Biyernes ni P/Sr. Supt. Gerry Barias, PNP provincial director, ang mga chief of police ng Binalbagan, Toboso, Moises Padilla, Candoni, La Castellana, Salvador Benedicto at Sipalay City.
Gayunman, dalawamput-apat na chief of police sa Negros Occidental, hindi kabilang ang Bacolod City ay nagsagawa na ng 81 anti-gambling operations na nagresutla sa pagkakadakip ng 151 katao at pagkakakumpiska ng halagang P41,786 na pinaniniwalang mula sa tumatayang sugarol.
Base sa police record, pinakamataas na bilang nang isinagawang anti-gambling operations at hindi mabatid na bilang ng naarestong sugarol ay ang lungsod ng San Carlos, Bago, Kabankalan at Silay.
Lumalabas sa ulat ng pulisya na ang gambling financiers ay kumokolekta ng halagang P24 milyon kada araw mula sa 41,943 barangays sa buong bansa. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)