Lola pinagnakawan, dinedo ng mga adik

TRECE MARTIREZ CITY, Cavite – Hindi pa nasiyahan na pagnakawan ang isang lola bagkus ay pinagpapalo pa ng matigas na bagay sa ulo at binigti hanggang sa mamatay ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang lango sa droga sa Barangay Cabuco sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Margarita A. Vinzon, 80, ng naturang lugar.

Samantala, ang mga hindi kilalang mandurugas ay biglang naglaho matapos na tangayin ang hindi pa mabatid na halaga ng pera at sinaunang mamahaling alahas.

Natiyempuhan ng mga mandurugas ang biktima na nag-iisa sa sariling bahay dakong alas-3:45 ng hapon saka isinagawa ang krimen, ayon sa ulat ni PO1 Benjamin Villanueva.

Walang narekober na anumang mapagkikilanlan sa mga mandurugas subalit pinalalagay na kakilala ng biktima ang mga killer kaya siya pinatay. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

Show comments