Namatay habang ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima na nakilalang si Alejandro Miranda, nasa hustong gulang, nakatira sa 199 Zapote 2, Bacoor Cavite.
Sa ulat ni SPO1 Walter Basto, inakala ng suspek na si Nick Amlon, 18, binata, worker at tubong Borongan, Samar na pansamantalang nakatira sa Tramo Zapote 4, Bacoor Cavite, na itinatago ng biktima ang kanyang walkman na isinanla nito sa biktima. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)