Ang biktima ay nakilalang si Japilon Nasirin.
Naganap ang pamumugot dakong alas-5:00 ng umaga matapos na lusubin nang isang grupo ng mga bandido ang tahanan nito sa isang liblib na lugar sa nasabing bayan.
Bigla na lamang umanong sumulpot ang mga bandido sa kanilang lugar at dinala ang biktima sa dako ng kagubatan kung saan sa kabila ng pagmamakaawa ng asawa nito ay tinagpas pa ulo.
Isang nakilalang Surujin Indama alyas Boy Target na umanoy bata ni ASG Commander Isnilon Hapilon ang namugot nang ulo ng biktima habang ang iba nitong kasamahan ay nagsilbing lookout.
Matapos isagawa ang krimen ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon. (Ulat ni Joy Cantos)