Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek na sina Marivic Santos, 34, dalaga ng Block 45 Lot 1-B, Brgy. San Miguel ng bayang ito at Renato Tayag, 46 ng Block Lot 9 ng nabanggit ding barangay.
Samantala, ang nabiktimang negosyante na may-ari ng school supplies ay nakilalang si Immaculada Gabay, 39, dalaga, empleyada ng Manila City Hall at residente ng Block 1-A 3 Lot 3, Brgy. Sta. Cristina 2 sa bayang ito.
Sa inisyal na ulat ni PO2 Jo Patambang na isinumite kay P/chief Insp. John Bulalacao, hepe ng pulisya, humingi ng tulong si Gabay sa pulisya upang madakip ang mga suspek na nagbayad ng pekeng dolyar.
Bandang alas-8 ng gabi ay inaresto ang mga suspek sa tulong ni Brgy. Chairman Federico Cahidoy ng Brgy. Sta. Cristina 2 habang pasakay ng kanilang Pregio van na kulay blue green (WCR-164).
May teorya ang pulisya na ang dalawa ay pinaniniwalaang nagpapakalat ng pekeng dolyar at sa tuwing sasapit ang gabi ay isinasagawa ang modus operandi upang hindi mapuna ng mga may-ari ng tindahan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)