Nahihirapan sa sakit na TB, nagbigti

BACOOR, Cavite – Dahil sa nahihirapang huminga bunga ng sakit na TB, minabuti umano ng isang 69-anyos na lalaki na wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti kahapon ng umaga sa loob ng kanyang bahay sa Bacoor, Cavite.

Ang biktima ay nakilalang si Romeo S. Onias, tubong Iloilo at residente ng Green Valley Subdivision, Brgy. San Nicolas 3 ng nasabing lugar.

Sa inisyal na report ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang mga kapitbahay dakong alas-6 ng umaga na nahihirapan sa paghinga bunga umano ng taglay nitong sakit.

Kinutuban ang mga kapitbahay na may masamang nangyari sa biktima dahil wala silang marinig na pagkaluskos sa loob ng bahay pagkalipas ng isang oras.

Nang puntahan nila ang bahay para kamustahin ang biktima ay gayun na lamang ang kanilang pagkamangha nang makita na ito ay nakabitin sa kisame ng kanilang bahay gamit ang isang electrical cord. (Ulat ni Lanie M. Sapitanan)

Show comments