Batay sa salaysay ng driver ng truck na si Sinnie Malle, 42 na dakong alas-4 ng madaling araw habang binabagtas niya ang nasabing highway lulan ang mga saku-sakong bigas nang harangin ang kanyang truck (USN-975) ng isang Toyota Corolla (DGH-134).
Nang bumaba ang mga sakay, ito ay pawang kalalakihan na nakasuot ng bonnet at armado ng mataas na kalibre ng baril.
Agad na siya ay tinutukan ng baril at pinababa sa sasakyan bago iginapos at piniringan ang mga mata. (Ulat ni Erickson Lovino)