Ang biktima ay nakilalang si Vicente Polinares, biyuda at residente ng Brgy. Bagumbayan ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, alas-3:10 ng hapon ng umalis ang bangkang de kumpit sa pier patunggong Brgy. Sagurong ng San Miguel Island.
Ilang minuto lang nakaalis sa pier ang bangka nang ito ay hampasin ng isang malakas na alon na naging dahilan para ang bangka ay tumaob.
Karamihan sa mga pasahero ay agad na nakakapit sa bangka at posible na ang biktima ay nakabitaw at sa sobrang katandaan ay hindi na nito kayang lumangoy. (Ed Casulla)