Ang mga "suspek" na kusang loob na sumuko sa pulisya ay ang magkakapatid na sina Ronaldo, 28; Rolando, 27; Renato, 24 at Rosemarie Amarante, 21.
Nagpasyang sumuko ang magkakapatid na Amarante sa Batangas sa takot na magkaroon ng whitewash sa kaso sa Laguna police.
Matatandaang minasaker sina Mauro Amarante, 83, anak na sina Alicia, 49; Corazon Aguilar, 49 at apong si Luisito, 29 na pawang nakatira sa Celestine Subdivision. Cabuyao, Laguna noong Lunes ng madaling araw.
Inamin ni Ronaldo na bagamat galit siya sa kanyang lolo dahil sa awayan sa lupa ay hindi naman umano niyang kayang magpapatay ng tao dahil sa wala silang perang pambayad sa mga killer for hire.
Bumuo na ng Task Force Amarante si Region 4 Director Chief/Supt. Domingo Reyes Jr., upang siyasatin pa ang ibang anggulo ng pamamaslang.
Ang magkakapatid ay nasa pangangalaga ng 402nd Mobile Group para sa kanilang proteksyon. (Arnell Ozaeta)