Kinilala ni SPO4 Zaldy Garcia, CIDG Chief Investigator ang mga biktima na sina Mauro, 83; Luisito, 29; Alicia Amarante, 49 at Corazon Aguilar, 49, na pawang nakatira sa nabanggit na lugar.
Ang mga biktima ay idineklarang dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng ibat ibang klase ng bala ng armas sa kani-kanilang katawan.
Natagpuan ng mga awtoridad sina Mauro, Alicia at Corazon sa loob ng kanilang kuwarto na naliligo sa sariling dugo, samantalang si Luisito ay natagpuan sa kabilang bahay na pinaniniwalaang nakatakbo pa palabas ng bahay.
Ayon kay Garcia, ang mga suspek ay tinatayang mahigit sa apat na pawang nakasuot ng bonnet at armado ng kalibre .45, M-16 at M16.
Nabatid na ang mga di-nakilalang suspek ay lulan ng isang L300 na kulay puti na walang plaka patungong Barangay Gulod, Cabuyao, Laguna matapos isagawa ang krimen.
Samantala, tatlo naman ang pinaghihinalaang minasaker ng mga rebeldeng NPA sa San Teodoro, Oriental Mindoro matapos na tumiwalag ang mga ito sa makakaliwang samahan.
Ayon kay Oriental Mindoro Police Director P/Supt. Voltaire Calzado, nilikida ang mag-anak na Ruben Apolinar, 54, asawa nitong si Rodriga Apolinar, 54 at ang ampon nilang anak na si Niña Apolinar, 8, matapos itong tumiwalag sa Samahang Gabriela kamakailan lang.
Ayon kay Calzado, ang mag-asawa ay dating miyembro ng Gabriela, isang makakaliwang samahan, na kanilang tinalikuran at ikinagalit umano ng samahan kaya sila pinagpapatay. (Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)