Nakilala ang mga biktimang nasawi na sina Argie Cordon, 11, ng Brgy. San Luis, Cogeo; Alvaro Teodoro, 29, ng San Jose St. at Ronald Rodriguez, 22, ng Gloria Heights, Brgy. Dalig ng lungsod na ito.
Labintatlong katao naman na karamihan ay mga bata ang inoobserbahan sa pagamutan dahil sa pagka-inpeksyon ng rabies.
Ilan umano sa mga ito ay posibleng nahawahan ng nasawing si Cordon nang ipasa nito ang kinakaing ice candy sa kanyang mga kalaro habang ang iba naman ay nakagat ng kanilang mga alaga.
Matapos ang insidente, ipinatupad ng pamahalaang lungsod ang isang ordinansa na nagbabawal sa mga residente sa pagpapagala sa kanilang mga alagang aso at pusa. (Danilo Garcia)