Sinabi ni Yolanda Damasco, lider ng United Tenants Association of Barangay Bani (UTAB) na nagsagawa na sila ng barikada sa main gate ng naturang lugar simula pa noong Linggo upang walang makapasok na empleyado ng Napocor.
Ayon kay Damasco na ang kilos-protesta na ginawa ng kanilang grupo ay upang ipaabot sa pamunuan ng nabanggit na kompanya na aabot na sa halagang P92 milyon pagkakautang ng Napocor sa mga tenant ang hindi pa naibibigay kahit na nagpalabas ng desisyon ang Agrarian Court na bayaran na ang mga tenant.
Sa pahayag naman ni Engr. Eugenio Alfonso, plant manager na malaking epekto ang idudulot ng naturang kilos-protesta dahil sa mawawalan ng kuryente ang buong Luzon.
Inalerto na ni P/Sr. Insp. Ronald Tabamo, hepe ng Masinloc PNP station ang kanyang mga tauhan na maging maagap sa anumang karahasang idudulot ng nabanggit na grupo. (Ulat ni Erickson Lovino)