Driver nambastos ng bading niratrat

TIAONG, QUEZON – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang jeepney driver ng bouncer ng videoke bar na pinag-iinuman ng biktima matapos na ito ay mambastos ng isang bakla kamakalawa ng gabi sa Brgy. Lusacan sa bayang ito.

Ang biktima na nagtamo sa ulo at katawan ng mga tama ng bala ng di mabatid na kalibre ng baril ay kinilalang si Rogelio Rivera, 41 may-asawa at residente ng Brgy. Bawi, Padre Garcia, Batangas.

Samantala, tumakas naman ang suspek na si Archieles Domas, 34 bouncer at residente ng Brgy. Lusacan.(Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments