Ayon sa ulat ni Col. Ferdinand Bocobo, 201st Infantry Brigade commander na ang mga nasabing estudyante ay pawang nag-aaral sa Envarga University-Catanauan branch.
Ang mga ito ay nahikayat ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na kumikilos sa Bondeo Peninsula upang isailalim sa "Pangkalahatang Kursong Masa" (PAKUM) ang pangunahing kurso na ipinagkakaloob ng NPA sa mga bagong recruit upang lumahok sa kilusan.
Iniulat ng mga residente ng mga tauhan ng 74th Infantry Battalion ng Phil. Army ang presensya ng mga hindi kilalang grupo na may ilang araw nang namamataan sa isang beach resort.
Kaagad tinungo ng mga sundalo ang nasabing beach resort subalit natunugan ng mga rebelde ang pagdating kung kaya mabilis na nagsilikas ang mga ito at iniwan ang mga estudyante. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)