Totoy na-suffocate sa loob ng aircon bus

BACOOR, Cavite – Isang 4-anyos na batang lalaki ang napaulat na namatay makaraang malason ng carbon monoxide sa loob ng nakaparadang aircon bus habang naglalaro kamakalawa ng hapon sa Green Valley Subd., Brgy. San Nicolas 3 sa bayang ito.

Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Inps. Alberto Capua, hepe ng pulisya sa bayang ito, natagpuan ang bangkay ni James Tamayo bandang alas-5 ng hapon sa pinaka-freezer ng Egan Maluto Transit Bus (PYL-466) sa nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang bata na naglalaro sa loob ng ginagawang bus dakong alas-3 ng hapon na pinalalagay na nalason sa usok. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments