Pulis nilikida ng NPA rebels

CAMP OLIVAS, Pampanga – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang pulis na nakatalaga sa PNP Provincial Mobile Force ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nagpapahinga sa loob ng bahay kasama ang live-in partner at pamangkin sa Brgy. Sta. Lucia, Sta. Ana, Pampanga kamakalawa ng hapon.

Tadtad ng tama ng bala ng armalite ang biktimang si PO3 Cesar Cornes, 40, na ang tunay na bahay ay matatagpuan sa Brgy. Bolo, Victoria, Tarlac.

Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Esmael Rafanan, Pampanga PNP provincial director, pinasok ng mga NPA ang bahay saka isinagawa ang pagpatay sa biktima bandang alas-3 ng hapon, samantala, hindi naman sinaktan ang live-in partner at pamangkin nito. (Ulat ni Erickson Lovino)

Show comments