Engineer itinumba sa harap ng bahay

BACOOR, Cavite – Isang engineer ang kumpirmadong napatay makaraang barilin ng dalawang nakaalitan nito habang ang biktima ay nakaupo sa hagdan ng inuupahang bahay sa Brgy. Real 1 sa bayang ito kahapon ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa kaliwang tenga ay nakilalang si Engr. Alfredo Camerino, 53, may asawa, samantala, ang dalawang suspek na hindi kaagad nakilala ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-10:30 ng umaga.

Ayon kay SPO1 Dante Ordoño, namukhaan ng ilang nakasaksi sa krimen ang mga killer dahil sa kinausap pa ang biktima hanggang sa mauwi sa sigawan saka tinuluyan ang engineer. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments