Sinabi ni PCG Vice Admiral Reuben Lista na kinakailangang maitala sa listahan ng passenger manifest ang lahat ng pasahero maging bisita ng mga opisyal, truck driver at pahinante ng mga maglalayag na barko.
Pinag-aaralan din ng mga opisyal ng Phil. Coast Guard (PCG) at MARINA na ipagbawal din ang paglululan sa mga pampasaherong barko ang mga kalakal na madaling magliyab na naging katulad ng M/V Maria Carmela na pag-aari ng Montenegro Shipping Lines.
Kasunod nito, pito sa 12 barkong pag-aari ng Montenegro Shipping Lines ay nasiyasat na ng PCG ngunit anim lamang na barko ang pinayagang makapaglayag matapos na hindi pumasa sa fire drills.
Ayon pa kay Lista na nakikipagtulungan na ang mga opisyal ng nabanggit na shipping lines sa pamamagitan nang pagsusumite ng mga kaukulang records at dokumento ng kanilang 12 barko sa isinasagawang imbestigasyon. (Ulat nina Grace Amargo at Tony Sandoval)