Sa limang pahinang desisyon ni Judge Gregorio S. Sampaga ng Malolos Regional Trial Court Branch 78, hinatulan ng habambuhay ang akusadong si Luis Crisostomo, 38, sa kasong parricide na naganap noong Mayo 31, 1999 sa palaisdaan na pag-aari ni Diomedes Roque ng nabanggit na barangay.
Bukod sa hatol na habambuhay ay pinagbabayad ang akusado ng halagang P.1 milyon sa mga naulila ng kanyang asawang si Lucila Tayson.
Base sa record ng korte, ang akusado ay humihingi ng halagang P200 ngunit P100 lamang ang naibigay ng asawa hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo bago aksidenteng nabaril at mapatay ng akusado ang kanyang asawa. (Ulat ni Efren Alcantara)