Sinabi ni Major General Rodolfo Garcia, commander ng Armed Forces Northern Luzon Command (NOLCOM) na ang isinagawang paglikida sa 4 ay preparasyon lamang sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa nakalap na impormasyon ng NOLCOM at Armys 69th Infantry Battalion, ang makakaliwang kilusan ay nagpupursiging maglagay ng kanilang kandidato sa darating na halalan upang makontrol nila ang mga nasasakupang barangay.
Kinilala ni Garcia ang mga pinatay na brgy. captains na sina Ramon Valiente ng Brgy. Caniguing, Echague, Isabela na itinumba ng rebelde noong Marso 4; si Restituto Renosa at Reynaldo Batalier naman ng Brgy. Tattawa at Narabar, Penarubia, Abra ay nilikida noong Marso 9, samantala, si Restituto Ganiron ng Brgy. Manalpac, Salsona, Ilocos Norte ay tinodas noong Marso 21.
Ayon pa sa ulat ng militar na minamatyagan din ng mga rebelde ang mga opisyal ng barangay na pinaniniwalaang sumusuporta sa counter-insurgency operations ng militar.
Sa kasalukuyan, sinabi naman ng human rights group, Karapatan na apat na Bayan Muna leaders sa Central at Northern Luzon ang nawawala simula pa noong Pebrero 2002.
Ang napaulat na nawawala ay sina Rowena Bayani, Edwin Villaruz na kapwa tubong Aurora; Juan Orcino, Jr. at Honorio Ayroso ng Nueva Ecija.
May Teorya ang grupo ng Karapatan na ang isinasagawang crackdown sa Bayan Muna leaders ay upang pahinain ang pagpupursiging planong paboran ang mga kandidato sa darating na barangay at SK elections. (Ulat ni Benjie Villa)