Judge, kawani sinibak ng Korte Suprema sa pandaraya ng DTR

Sinibak ng Korte Suprema sa tungkulin ang isang hukom at kawani ng mababang hukuman makaraang mapatunayang nandaya ng daily time record sa Alfonso-Lista, Ifugao Regional Trial Court.

Si Liza Marie Abdullahi, court interpreter III ng Branch 15 ay napatunayang nandaya ng pag-punch ng daily time card sa nabanggit na korte.

Samantala, si Acting Presiding Judge Demetrio Calimag, Jr. ay sinibak din sa tungkulin ng Korte Suprema dahil sa pagbibigay nito ng proteksyon kay Abdullahi.

Base sa record ng Supreme Court, si Abdullahi ay pumapasok sa St. Louis University sa Baguio City kaya malimit na hindi pumapasok sa naturang korte ngunit may time-in sa daily time card.

Hindi naman pinansin ni Judge Calimag ang ipinalabas na kautusan ng Korte Suprema na nag-aatas kay Abdullahi na bumalik na sa kanyang official assignment kaya sinibak siya sa puwesto. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments