Binata tinodas ng adik sa barangay hall

IMUS, Cavite – Napagtripang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na binata ng isang hindi kilalang adik sa droga habang ang biktima ay nakahiga sa harap ng brgy. hall ng Malagasang 1-B sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Jose Sorroca ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na may nakakita ay pasuray-suray na tumakas dala ng ginamit na baril sa krimen na naganap bandang alas-9 ng gabi.

Sa kasalukuyan ay inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na pinaniniwalaang kakilala ng biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments