Ang biktima na binaril sa mukha ay nakilalang si Romeo Cornel, 40, may asawa, isang warehouse helper ng naturang lugar at residente ng Gumamela St., Imus, Cavite, samantala, ang suspek na tumakas ay nakilalang si Juanito Reyes, 39 at security guards officer-in-charge ng SCUD Investigation and Security Agency Incorp. ng nabanggit na farm house.
Ayon sa pulisya, naganap ang krimen dakong alas-7 ng umaga makaraang mapagkamalang outsider ang biktima kaya kaagad na binaril ng suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)