Sanggol todas, tiyuhin grabe sa ratrat

CANDELARIA, Quezon – Binistay ng bala ng baril ang isang sanggol na babae, samantala, malubhang nasugatan naman ang tiyuhin nito ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang mga biktima ay nasa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Taguan sa bayang ito noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Nelson Lequin, hepe ang pulisya sa bayang ito ang mga biktimang nasawi na sina Jhamil Estillos, walong buwan at ang tiyuhing si Wilfredo Estillos, 35, ng naturang lugar.

Naganap ang krimen bandang alas-7 ng gabi habang nasa balkonahe si Wilfredo, samantala, si Jhamil naman ay gumagapang sa sahig ng bistayin ng bala ang bahay ng mga biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments