Driver nang-agaw ng pasahero todas

GENERAL TRIAS, Cavite — Dahil sa pang-aagaw ng pasahero ay maagang kinalawit ni kamatayan ang isang jeepney driver makaraang pagbabarilin ng ama ng kapwa driver ng biktima sa loob ng minamanehong sasakyan sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kahapon ng umaga.

Binistay ng bala ng kalibre.45 baril ang katawan ng biktimang si Eliseo Lumagi ng Brgy. Pasong Camachile ng naturang lugar habang nasa loob ng minamanehong jeepney (GHD-453), samantalang ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang si Luis Arcilla ng nabanggit na barangay.

Ayon kay SPO1 Felimon Colocado, naganap ang krimen dakong alas-8:45 ng umaga makaraang magsumbong ang anak na lalaki ng suspek sa ginawang pang-aagaw sa kanyang pasahero ng biktima sa pinapasadang pampasaherong jeepney sa terminal. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments