Sinamahan ng kanilang barangay chairman na sumuko sa pulisya si Virgilio C. Capuno ng Barangay Malagasang 2, Imus, Cavite, samantala, sa kasalukuyan ay nagsasagwa ng dragnet operation ang mga tauhan ni Pagdilao upang madakip kaagad ang isa pang kasama nito.
Sa ulat ni P/Sr. Insp. Alberto Capua, hepe ng pulisya, makaraang sumuko si Capuno bandang alas-onse ng umaga ay kaagad namang nagsagawa ng police line-up at positibong itinuro ng isang saksi sa krimen ang killer ni ex-fiscal Atty. Manuel P. Orquieza noong Marso 5, 2002.
Matapos ipagbigay-alam ng pulisya ang pagsuko ni Capuno sa mga kamag-anakan ni Orquieza ay kaagad namang nagbigay nang sinumpaang salaysay si Judge Miriam Oqruieza-Angot, kapatid na babae ng biktima upang pormal na maisampa ang kasong murder sa Bacoor Municipal Court na walang piyansang inirekomenda.
Matatandaang, tinambangan at napatay ang biktima habang nagmamaneho ng kanyang kotse patungo sa pinapasukang korte ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)