Kinilala ang biktimang nasagip na si Althea Cruz, 46-anyos, may-asawa, negosyante at residente ng Blk. 10 Lot 19 Summerwind 3, Brgy. Salitran ng bayang ito.
Samantala, lima lamang sa 10 kidnapers ang naaresto ng pulisya na nakilalang sina Virginia Quinalayo, 35, ng Blk. 18 Lot 9 Brgy. San Dionisio ng bayan ding ito at tumayong negotiator ng mga kidnapers sa pamilya ng biktima; Jamal Malawad, asawa nitong si Amina Malawad, Lominog Macaayon at Zenaida Villabrille, kapwa ng nasabing lugar, habang ang lima pang nakatakas ay nakilalang sina alyas Sonny, alyas Jayvee, alyas Malik; alyas Alapas at alyas Isra, kapwa ng nasabi ding lugar. Ang suspek ay pawang Muslim at tubong Mindoro.
Sa ibinigay na ulat ni PO2 Jo Patambang, may hawak ng kaso, kay Pol. Chief Insp. John Bulalacao, hepe ng pulisya sa bayang ito, ganap na alas-9 ng gabi ng humingi ng responde ang pamilya ng kidnap victim, hinggil na rin sa hinihingian umano sila ng ransom money na halagang P300,000. para sa kalayaan ng biktima.
Si Quinalayo umano ag naging negotiator sa pamilya ng biktima. Nabatid na nitong nakalipas na Marso pa kinidnap ng mga suspek ang biktima at simula umano noon ay pinaghanda na sila ng nasabing pera.
Dito na agad na nagsagawa ng pagplano ang kapulisan sa pangunguna ni Raiding team leader na sina SPO3 Reynito Santiaguel at PO3 Delestino San Jose na naging resulta upang magsagawa ng raid sa pinagtataguang hide-out ng mga kidnapers. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)