Kinilala ang mga nasawi na sina ex-MILF kumander Teng Mangya, 45; aide nitong si Mosel Makalay, 40, na kapwa MILF rebel returnees at Felix Marcos, brgy. chairman sa Brgy. Caridad, Lambayong, Sultan Kudarat.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, napatay sina Mangya at Makalay dakong alas-4 ng hapon habang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Guanan, Sultan, Barongis, Maguindanao.
Si Marcos naman ay inambus at napatay habang sakay din ng motorsiklo sa kahabaan ng Lambayong, Sultan Kudarat bandang alas-11:30 ng umaga. (Ulat ni Joy Cantos)