Pulis, bouncer patay sa videoke bar

CANDELARIA, Quezon – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya at bouncer ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang nasa loob ng Lover’s videoke bar sa Brgy. Malabanan kamakalawa.

Si PO1 Paul Gilbert Dimaandal at Bernie H. Visa, 40 ay kaagad na napatay dahil sa tama ng mga bala ng baril sa katawan, samantala, si PO1 Allan Constantino naman ay malubhang nasugatan.

Ayon kay SPO1 Domingo Cristal, rumesponde sina Dimaandal at Constantino sa naturang videoke bar dahil sa may tumawag sa telepono na may mga armadong kalalakihang pumasok sakay ng motorsiklo (VB-5585) subalit sinalubong ng sunud-sunod na putok ang dalawang pulis saka nadamay naman si Visa. (Ulat ni Celine Tutor)

Show comments