Sa 14-pahinang desisyong nilagdaan ni Regional Trial Court Branch 6 Presiding Judge Santos Gil na bukod sa ipinataw na bitay kay Fortunato Emnas ay pinagbabayad pa ng halagang P50,000 sa mga naulila ng biktima bilang indemnity.
Ipinaliwanag ni Judge Gil na ang akusado ay gumamit ng lakas maliban sa hawak na itak laban sa biktima na napatay ng walang kalaban-laban.
Base sa record ng korte, naganap ang krimen bandang alas- 11 ng gabi makaraang atakihin ng magkapatid na Emnas ang bahay ni Efren Hermano, ama ng biktima hanggang sa mapatay nito ang bata.
Pinaniwalaan naman ng korte ang mga testigo ng biktima, samantala ang alibi ng mag-utol ay ibinasura dahil sa hindi kapani-paniwala.
Habang dinidinig ang kaso ng magkapatid na Emnas ay umamin sa krimen si Ronulfo Emnas, kapatid ni Fortunato upang bumaba ang hatol sa habambuhay na ngayon ay nasa Abuyog Leyte Penal Colony sa kasong homicide, samantala, si Fortunato naman ay bitay. (Ulat ni Miriam G. Desacada)