2 magsasaka todas sa ambush

Dalawang magsasaka ang iniulat na binistay ng bala ng baril hanggang sa mapatay habang naglalakad papauwi sa magkahiwalay na lugar kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Feliciano Pelismino, 38, ng Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias, Cavite at Antonio Merones, 53, ng Brgy. Marahan, Alfonso ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, unang tinambangan ang biktimang si Pelismino dakong alas-7:30 ng umaga ng suspek na si Marcelino Vergara, 36, samantala, si Merones naman ay pinatay bandang alas-11 ng umaga ng hindi nakilalang killer at pinalalagay na may kaugnayan sa lupa ang naging motibo ng krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments