Nalitson ng buhay ang biktimang si Ronald Bernos, 25, may asawa at may-ari ng stall no. 27 ng naturang lugar.
May teorya ang mga tauhan ni P/Supt. Victorino Caseres, hepe ng pulisya sa bayang ito na ang biktima ay mahimbing na natutulog sa sariling tindahan ng maganap ang sunog dakong alas-11:30 ng gabi at mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na tindahan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)