Sinabi ni Datu Kulot Dagloc, Kabuntalans town administrator na ang bangka ay nahati sa dalawa saka lumubog makaraang sumalpok sa nakalutang na malaking troso na hindi napansin ng bangkero.
Kinilala ni Dagloc ang lima sa sampung biktima na sina Kedtong Dalamban, Lukaya Calikud, Mina Taha, Mamalinta Limpi at Annie Gasan na pawang mga residente ng Brgy. Taviran sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng limang biktima kabilang na ang tatlong bata na pinaniniwalaang nagmula sa tinatawag na big kanduli, a traditional thanksgiving ceremony na pinamamahalaan ng lokal na opisyal ng Brgy. Bagumbayan sa Kabuntalan.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang iba naman ay galing sa kanilang namatay na kamag-anakan at papauwi nang lumubog ang ferry boat.
Idinagdag pa ni Dagloc na may 70 pasaherong sakay ang bangka na pinalalagay na sobra ng 20 at ang karamihang hindi marunong lumangoy ay naglambitin sa ibang pasaherong lumalangoy kaya nadamay sa pagkalunod.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng rescue operations ang mga awtoridad upang masagip ng buhay ang iba pang pasahero. (Ulat nina John Unson)