Base sa ulat mula sa Camp Crame, nakilala ang mga biktima na sina Aton Aborong, isang miyembro ng CAFGU; Ayub Nahalul at Alang Jubail na kapwa espiya ng militar.
Siniguro ng mga rebelde na patay na ang mga biktimang binistay ng bala ng baril bandang alas-2:30 ng hapon bago tumakas sa kagubatan ng nabanggit na barangay. (Ulat ni Joy Cantos)