2 lalaki kapwa nagbigti

CAVITE – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang adik at nasiraan ng bait ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Robert Alcantara, 36, may asawa ng Brgy. Wawa 2, Rosario at Vincent Padasas, 27, may asawa jobless ng Brgy. Ramon Cruz, Gen. Mariano Alvarez, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, unang nag-suicide si Alcantara sa loob ng kanilang bahay na pinalalagay na nasobrahan ng droga, samantala, si Padasas naman ay natagpuang nakabitin dakong alas-7 ng umaga sa kanilang bahay na pinalalagay na sinumpong nang pagka-praning. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments