Kinilala ng pulisya ang talong suspek na sina Hadji Hainol, 32; Hadji Malutoc at Amin Ula na pawang mga naninirahan sa naturang lugar.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni RTC Judge Nelia Yap Fernandez ng Branch 70 sa Puerto Princesa City, sinalakay ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Alejo Acosta at 412th Provincial Mobile Group ang safehouse ng mga suspek dakong ala-1:20 ng hapon at nakumpiskahan ng tatlong baril at hindi nabatid na bilang ng gramo ng shabu. (Ed Amoroso)
Ang mga biktima na ngayon ay nasa Bicol Medical Center ay nakilalang sina Rommel Santos, 54 ng Brgy. Tigbao, Canaman; Ronnie Capolones, 43 ng San Pantaleon, Magarao; Emmanuel Plaza, 38; Nieves De Villa, 50 at Rommel Braquillo, 7 na pawang mga residente ng naturang lugar.
Naganap ang aksidente dakong alas-8:30 ng umaga makaraang salpukin ng jeep (DPW-142) ang sasakyan ng mga biktima habang magkakasunod na bumabagtas sa kahabaan ng nabanggit na highway. (Ed Casulla)
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Alex Villanueva at Roberto Fernandez na kapwa residente ng naturang lugar, samantala, ang kasamahan ng dalawa na si Roberto Jun Galbelo ay kasalukuyang tinutugis ng follow-up team ng pulisya.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Benjamin Lusad, hepe ng pulisya sa Bauang, nakumpiska sa mga suspek ang nakaw na motorsiklo na itinago sa loob ng compound ng Camp John Hay sa Poro Port kamakalawa. (Myds Supnad)
Ang mga biktima na ngayon ay nasa Gonzales General Hospital ay nakilalang sina Rufino Cruz, 26; Walter Dela Peña, 26 at Alex Cruz, 20 na pawang mga residente ng naturang lugar, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Virgilio De Belen na kapitbahay ng mga biktima.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang apat na magkakapitbahay habang nag-iinuman ng alak tungkol sa kasasapitan ng EDSA 2 at dahil sa ayaw patalo ng suspek ay nagawa nitong pagsasaksakin ang mga biktima. (Christian Ryan Sta. Ana)