Ang 400 pulis na pawang MNLF integrees ng police special mobile group ay tumanggi ring ibigay ang kanilang armas hanggang hindi rin umaalis ang tropa ng Scout Rangers at Phil. Marines.
Sinabi ng hindi nagpakilalang opisyal ng militar na kapag hindi nasunod ang kagustuhan ng 400 rebel policemen ay mapipilitan silang bumalik sa kabundukan.
Kasabay nito, apatnaput walong oras na palugit ang ipinalabas ng magkakasanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para lutasin ang madugong insidente sa Sulu na kumitil sa buhay ng 21 katao at pagkasugat ng 24 iba pa kabilang na ang mga sibilyan.
Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Deputy Chief of Staff at Acting AFP Spokesman Lt. General Narciso Abaya, na si NBI Director Reynaldo Wycoco ang mamumuno sa team ng mga imbestigador na kinabibilangan ng Inspector General ng AFP at counterpart nito sa PNP.
Nabatid na sa bilang ng mga nasawi, 13 dito ang mga sundalo, 2 sa mga PNP integrees habang ang iba pa ay mga sibilyan na nadamay sa palitan ng putok. (Ulat nina Joy Cantos at AFP)