Magsasaka sinaksak ng kapitbahay dahil sa biro

GENERAL TINIO, Nueva Ecija – Dahil sa pagkairita sa ginawang pagbibiro ng isang magsasaka ay napilitang saksakin hanggang sa mapatay ang biktima ng kanyang senglot na kainuman ng alak sa Brgy. Rio Chico ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ramon Galupa, 45, ng Sitio Pantay, Purok San Miguel ng naturang lugar, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Genaro Bagadin, 63, ng naturang lugar.

Naganap ang krimen dakong alas-6:45 ng gabi habang magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa at dahil sa senglot na ang biktima ay hindi nito mapigilan ang pasigaw na pagsasalita sa suspek hanggang sa humantong sa krimen ang sumunod na pangyayari dakong alas-7 ng gabi. (Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

Show comments