Ito ang ipinahayag ni Housing and Urban Development Coordinating Council Chairman Mike Defensor matapos ipagkaloob sa isinagawang turn over ceremony ang 500 bagong gawang bahay sa pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa naganap na pagsabog ng bulkang Pinatubo, sampung taon na ang nakakaraan.
Ang mga nasabing bahay ay bahagi ng Acli Resettlement area sa Mexico City na pinagtulungang itayo ng 565th Engineering Construction Battalion at 51st Engineer Brigade ng Philippine Army na proyekto ng Mt. Pinatubo Commission na nasa ilalim ng Office of the President.
Sinabi ni Defensor na inatasan ng Pangulo ang Pinatubo Project Management Office na gumawa pa ng 2,500 na bahay para sa mga biktima.
Samantala, patuloy na tinatapos ng PPMO ang konstruksiyon ng humigit kumulang na 2 libong bahay sa San Isidro resettlement site sa Magalang, Pampanga at 500 pang bahay sa Bulaon resettlement site sa Bulaon, San Fernando.
"Sa ngayon ay patuloy kaming naghahanap ng lupa na pagtitirikan ng may 500 pamilya at malamang sa darating na Marso ay mabibigyan na ito ng mga bahay." pahayag ni Defensor.
Binigyan naman ng kasiguruhan ni Defensor na ang lahat ng mga pinagtayuang bahay ay kumpleto sa pasilidad tulad ng eskwelahan, ospital, kuryente, tubig at mga pagkakakitaan ng mga ito.