Base sa ulat na isinumite kay Bataan PNP Provincial Director P/Supt. Perfecto Ponce Palad, sakay ng General Transport Bus ang biktimang itinago sa pangalang Matutina kasama ang may 41 pasahero nang isagawa ang holdap ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan.
Makaraang limasin ang mga alahas at pera ng mga pasahero ay napagtripan pang gahasain ng tatlo ang biktima habang bumabagtas ang bus sa naturang highway. (Ulat ni Jonie Capalaran)