Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Mediatrix Medical Center ay si Claro Maray, 43, ng Brgy. Anilao at ikinasugat naman ng malubha ni Reynate Lanto, 23.
Ayon sa ulat na isinumite kay P/Supt. Antonio Atienza, hepe ng pulisya, hindi napansin ni Maray ang nakaparadang truck (PEA-309) na pag-aari ni Rufino Benagale ng Candelaria, Quezon kaya nagtuluy-tuloy sa ilalim ng sasakyan ang minamanehong dyip. (Ulat ni Arnell Ozaeta)