Sinabi ni Philippine Navy Chief, Vice Admiral Victorino Hingco, ang paglilipat kay Miraflor sa kanyang superior na si Commodore Jose Alberto Velasco ng Naval Education and Training Command sa Zambales ay habang isinasailalim pa ito at ang kanyang mga tauhan sa kasong administratibo dahil sa pagtatago ng nasamsam na mga eksplosibo.
Si Miraflor ay dati ring miyembro ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa pamumuno ni dating Chief at ngayoy Senador Panfilo Lacson. Sinasabing hindi naisurender ng grupo ni Miraflor ang nasabing malalakas na uri ng pampasabog sa kabila ng pagkakabuwag sa PAOCTF.
Patuloy namang pinabubulaanan ng pamahalaan, matunog ang ulat na isa si Miraflor na pinagbibintangang nagpaplano ng kudeta laban sa administrasyong Macapagal-Arroyo.
Sa kabila nito, mainit pa rin ang usap-usapan sa Camp Aguinaldo na ang pagiging bahagi ni Miraflor sa nilulutong kudeta laban sa kasalukuyang administrasyon ang dahilan kung bakit ito dinakip. (Ulat ni Joy Cantos)