45 pasahero ng 3 bangkang tumaob, nakaligtas

Itinuturing na regalo ng kalangitan noong araw ng Pasko ang natanggap ng may 45 pasahero ng 3 bangkang de motor na magkakasunod na itinaob ng dambuhalang alon sa magkakahiwalay na karagatan, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard kahapon.

Sa ulat ni PCG Commandant Vice Admiral Reuben Lista, dakong alas-3 ng madaling araw ay unang itinaob ng dambuhalang alon ang bangkang MBCA Leoman sa karagatan ng Bislig Island, General Santos City.

Bandang alas-5 ng umaga ang bangkang MBCA James Niños Arnold ay lumubog sa bisinidad ng Bulusan waters sa Sorsogon dahil din umano sa malalaking alon.

Ang sumunod naman ay dakong alas-11:30 ng umaga ay itinaob din ng malakas na alon ang MBCA Ivan Blu malapit sa Negros Occidental.

Ang mga pasahero ay patungo sa kani-kanilang mga lalawigan nang maganap ang trahedya. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments